I texted 14 significant persons in my life. I asked them to choose between yes and no, without posing any questions. Only five replied yes. One said no, while someone's answer I considered yes. He said yes for it 's always better to try, mabuti na ang magtaya kaysa wala kang ginawa. She said no because I always say yes. He replied ...kung tigsasabi mo yan, 'di mas madadalian kang magdecide...barkada garu...
It has been bothering me for days already, akala ko okay na, hindi pa pala. I had an entry before entitled Frodo Baggins and Samwise Gamgee Part 1. 'Di ko na siya nagawan ng part 2 for I never had time and reason to do such. Masakit sa'kin na nagkakaganito ako, kami? hindi ko alam. hindi ko na talaga alam. Everytime na nagrireminisce ako, lalo lang akong nasasaktan. lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko. Lalo ko lang bang niloloko ang sarili ko? pati siya?
mySAM sana mabasa mo 'to...
unexpected pagtatagpo ng landas natin bilang magkaibigan, at hindi lang basta acquaintance. Masaya ang mga araw na naksama kita. Napapangiti mo ako. Sabi ko nga, blessed ako to have you. At ganun ka rin sabi mo sa'kin. Lumipas ang mga araw, nanatili pa ring matibay pagkakaibigan natin. Lumipas ang mga buwan, unti-unting nagbabago ang lahat. pansamantala nga lang ba 'yon? Naalala mo, sabi ko sa'yo ako si Frodo, ikaw naman si Sam. Marahil tulad din ng nangyari sa kanila ang nangyari at mangyayari sa ating dalawa. Matibay ang samahan nila sa bawat landas na tinahak nila, pero sa huli nagkahiwalay pa rin sila. Frodo joined Bilbo, Gandalf, and the other elves for Grey Havens, while Sam returned to Shire, to his family, to where he belongs. Kung saan siya magiging masaya.
Hindi ko tinatapos ang pagkakaibigan natin, marami lang ang magbabago. 'Di na tulad ng dati. Wala ng jammings, wala ng bucket list, at wala na ring best pal. Mananatili tayong magkaibigan. Mananatili kang isang biyaya sa buhay ko. Salamat sa lahat.
Salamat sa pagasang ibinigay mo.
Marahil ito talaga ang tadhana nating dalawa.
Ang sanga'y tuluyan nang nabali.
1 comment:
nasabi ko na sa usapan natin sa text yung mga gusto kong sabihin.. ito lang ang uulitin ko...
something in your story is missing.. and its a huge part..
unexpressed feelings will always remain to be the loudest sound of all.. yun ang alam ko..
at the end of the day, bago ka matulog, tibok lang ng puso mo ang maririnig mo..
flip the coin again.. was it really what you wanted?
huggs...
Post a Comment