10.25.10
2:23PM
Matagal ko nang plinanong gawin ang post na ‘to, pero lagi akong kulang sa panahon. ‘Di ko nga alam kung pa’no ko ‘to sisimulan. Haist. Ilang buwan na lang, ako’y umaasang aalis na sa buhay kolehiyo. Ang bilis nga naman ng panahon. Ilang buwan na lang. Konting panahon na lang.
Sa TeddyBear ko, salamat sa mga yakap na ibinibigay mo sa’kin. It makes me feel loved and appreciated. Nagsimula ang lahat nung birthday ko, remember? Yung sinabi ko sa’yong pinagselosan ng bok ko nung nakita niyang niyakap mo ko. Anyway, ‘di man tayo madalas magksama, alam ko at ramdam ko na mahalaga ako sa’yo at gano’n ka rin sa’kin. Tama ka sa reply mo sa’kin noon, maiinis na sa’yo ang lahat pero hindi ako, kasi mahal kita at siguro magkaugali tayo. Salamat TeddyBear. Hugs.
Kay ngitingMasaya ko naranasan ang sobrang pagkaselos sa isang kaibigan. Nainis ako sa kanya noon dahil pakiramdam ko nawawala na sa’kin ang isang tunay na kaibigan. Pero ‘di ko lubos akalaing magkakasundo kami sa huli. Hindi kompa man din tapos ang post na ipinangako ko sa kanya, lubos akong nagpapasalamat sa pagpapangiti niya sa akin. Salamat sa bawat tanghaliang pinagsasaluhan natin. Mwaah.
‘Di ko alam pa’no kami nagkasundo ng taong ‘to. Lately lang kami naging magkaibigan talaga. Masayang kausap ang taong ‘to, kahit madalas niya akong awayin at asarin. Sabi niya sa’kin noon, gusto niyang magkaro’n ng ate. At gano’n na rin siguro ang papel ko sa buhay niya. Pero may mga pagkakataong siya pa ang nagiging kuya ko. Nagpapasalamat ako kay Mr.Maurag sa pagpapagaan ng loob ko at madalas na pagpapangiti sa’kin.
Kay PintigNgPuso, dandingDJ, at Santino, salamat sa mga panahong nakasama ko kayo. Ang dami kong natutunan sa inyong tatlo. Mga senior mentor kung baga. Kay Santino, sa unexpected things na nalalaman ko tungkol sa’yo at tungkol sa kung anu-ano. Kay dandingDJ, sa mga favor na hinihingi ko, sa bawat dinner na nakasama kita, sa mga bangayan natin, at sa mga pagpapatawa kahit na inaalipusta mo na ako. Kay PintigNgPuso, sa mga magagandang kwento tungkol sa pagkakaibigan, pagmamahalan, at pagbuhay-buhay. Ang dami kong natutunan sa mga ibinabahagi mo sa’kin. ‘Di ko man alam kung saan talaga ang buwan, at kung sino si sam, still salamat sa inyong tatlo. Alam kong sa bawat hakbang ng ating pagtakbo sa buhay, magkikita-kita pa rin tayo sa finish line.
Nakita ni queenAmazona ang mga pagbabagong nangyari sa sarili ko. Masaya akong siya ang unang nakilala ko sa pamilyang ito. Hindi sapat ang mensaheng ito para magpasalamat sa lahat ng ginawa niya para sa’kin. Sa bawat luha niya, mas tumitibay ang respeto at pagpapahalaga ko sa kanya. Salamat sa pagtanggap at tiwalang ibinibigay mo sa akin.
Marami man kaming di pagkakasunduan ni cutedevil, nananatili pa rin kaming magkaibigan. May mga panahong sobra kaming click sa maraming bagay, pero may mga panahon din na naiirita kami sa isa’t-isa. Ramdam ko ang tampo na meron sa puso niya, may kasalanan ako at aminado ako do’n. Pero may mga bagay-bagay din na tungkol sa’kin na alam kong hindi niya maiintindihan kaya siguro kami nagkakatampuhan kung minsan. Salamat sa mga breakfast, linch, at dinner na kasam kita. Salamat sa mga overnight, movie marathon, window shopping, at siyempre sa pagintindi sa’kin.
Sobrang miss ko na si bituingGala. Ilang taon na kaming hindi nagkikita. Minsan lang kami magkaro’n ng pagkakataong makapgusap. Malayo man kami sa isa’t-isa, hindi nagbabago ang pagkakaibigang pitong taon naming inalagaan, at patuloy naming aalagaan. Sa lahat ng kaibigan ko sa high school, tanging siya ang taong kahit kalian ay hindi-hinding ko makakalimutan. Salamat sa lahat, sa lahat-lahat. Alam mong mahalaga ka sa’kin. At alam mong mahal na mahal kita.
Masyado akong nasanay sa presensya noon ni unexpectedGuy, kaya siguro nakakaramdam ako ng tampo sa kanya pagdating sa ilang bagay. Madalas tungkol sa kanya ang mga status at posts ko. Muntik na rin akong bumitiw sa pagkakaibigan namin. Pero nariyan pa rin siya, pilit akong iniintindi at pinapahalagahan. Alam kong sa puso naming dalawa, tunay na pagkakaibigan ang naguugnay sa amin. Salamat sa mga panahong ‘di mo ako binitawan. Salamat sa mga paguusap, sa pagiging totoo sa’kin, sa pagpapasensya, at sa pagpapagaan ng loob ko.
Physically separated man kami ni amazingPillow, pero hindi ko ramdam na magkalayo kami. May mga oras na namimiss ko siya, lalo na kapag solo ako’t nasa emo mode. May mga pagkakataong nasasaktan ko siya dahil sa mga nasasabi ko unintentionally. May mga pagkakataong masyado akong toinks na napapangiti at napapaluha ko siya. Pero ang mahalaga, nagpapasalamat ako dahil hindi niya pinutol ang komunikasyon niya sa akin. Malaking bagay iyon sa akin. Salamat sa blog posts, sa advices, sa bawat pagbabahagi ng bagong buhay mo, sa tiwala, sa pagpapahalaga, sa pagmamahal, at sa bawat hugs na ibinibigay mo sa akin.
Ang tatlong taong pagkakaibigan kasama si GreatWind ay napakaespesyal. Maraming tao ang dumating at umalis sa buhay naming dalawa, pero nananatiling magkaibigan pa rin kaming dalawa, pagkakaibigang tunay at panghabang-buhay. Magkaiba man kami sa ibang bagay, nagkakasundo pa rin naman kami at napupunan ng isa ang pagkukulang ng isa. Muntik ng mawala sa’kin ang taong ‘to na lubos kong ikinabahala. Marami akong dapat ipagpasalamat sa’yo, kaya ang tangi ko na lang masasabi ay salamat bff.
Para naman kay twinSister, daughter’sDad, at talentadongCPA, hindi sapat ang isinusulat ko dito para lubos kong maiparamdam ang sobrang pasasalamat ko sa inyo. Lahat ng plano ko para sa darating na panahon ay para sa inyo. Alam niyong mahal na mahal na mahal ko kayo ng sobra. May tampo man sa puso ko dahil sa pinagdadaanan natin ngayon, alam kong malalampasan natin ‘to. Alam kong magiging masaya rin tayo. Babalik tayo sa dati. I love the three of you, so much.
6 comments:
sana dumating ang panahon na maintindihan kita, na maintindihan ko ang mga bagay-bagay sayo na di maabot-abot ng utak at puso ko. magtagpo sana tayo sa isang daan patungo sa pagkakaintindihan. siguro parte na talaga ng pagkakaibigan ang tampuhan, sinusubok lang tayo nito, kung bibitaw ba tayo o patuloy na kakapit sa pagkakaibigang nasimulan at nasubok na ng karanasan. hay, patuloy sana tayong kumapit, kumapit ng mahigpit kahit minsan durating talaga ang panahong na pilit sinusubok kung anu ang meron tayo, ito lang naman ang natatanging paraan para tayo lubos na magkaintindihan, ang magsama sa maraming sulok ng buhay ng bawat isa. kung ayaw mo man o gusto, pilit kong ipagsisiksikan ang aking sarali maintindihan lang kita.
mahigpit na yakap at halik,
kaibigan
masarap basahin ang bawat isinulat ng puso.. masarap ulit ulitn ang bawat katagang binitawan na puno ng pag mamahal..
salamat din ng marami.. hindi ko kailangan isa isahin.. basta alam kong mahalaga ka sa akin..
maswerte ka kay anonymous.. hayaan at pahintulutan ang sarili na yakaping lubos ang mga taong handang ibahagi ang sarili nila ng buong buo..
ngiti naman dyan kaibigan..
mahigpit na yakap din mula sa akin..
:)
para kay anonymous...
di man ako sure na ikaw yan cutedevil.
salamat.
para kay MYAngligaw...
muli, salamat. isang mahigpit na yakap din para sa'yo.
BIGhug :DDD
para sa unang anonymous na nagcomment:
patuloy lang ang pagkakaibigang meron tayo.
tiwala akong malalampasan natin ang mga pagsubok na darating.
magkakaintindihan din tayo :)
sino po ang pangalawang anonymous na nagcomment?
teddy bear?
Post a Comment