Minsan ko nang maisip na tumalon sa isang bangin,
sa isang mataas na bangin.
Muntik na akong tumalon nang pinigilan mo ko at sinagip sa isang kabaliwan.
Nawala sa isip ko ang kabaliwang tumalong muli sa bangin. Pinanghahawakan ang isang pangakong hindi hahayaang maulit muli.
Lumipas ang mga araw, muling bumabalik ang nakalipas.
'Di ko lubos akalaing tatalon ako't kakapit sa isang sanga,
sangang malapit nang maputol, sangang maaaring magbigay daan sa aking kamatayan o isang pagkakataong ipagpatuloy ang buhay.
2 comments:
buti ka pa, kahit papaano ay may nakapitang sanga sa oras ng pangangailangan. hindi man ito ganoon katatag, nabigyan ka naman ng ilang minutong pagkakataon para maisip na hindi pa ito ang katapusan...
narinig ko sa isang training..
"hold on to what gives you meaning"
kaya kahit madali ng maputol ang isang sanga, sige lang, hanggat nagbibigay ito sayo ng kahulugan na huminga pa rin at tumingala sa langit..
sige lang..
i think we dont need people to catch us when we fall..
i believe we have our own wings to grow...
Post a Comment