Learn to say 'NO'
Ito ang sinabi sa'kin ni AmazingPillow nang minsan kong nakasamaang loob ang isang kaibigan. Aaminin ko, 80% yes person ako. Kapag sa tingin ko makakayanan ko pa at makakatulong ako, sige lang.Parang hindi ako napapagod.
Masasabi bang pleaser ako?
O sadyang naoobliga lang?
I'm doing my best to learn this easy-to-write but difficult-to-say two-letter word. Mahirap umayaw sa taong mahalaga sa'yo. Nakakahiyang tumanggi sa taong nirirespeto mo.
give and take relationship
Masama ang nasosobrahan sa give, naaabuso ang kabaitan ng tao. Masama rin naman ang sobrang take, natatapakan ang pagkatao ng iba. Anumang sobra, sabi nila, ay masama.
Dapat balanse lang, dapat...
Minsan kailangan mong manahimik at magwalang-bahala para lang maipakitang pagod ka nang magbigay, at panahon na para ikaw naman ang dapat pagbigyan.
1 comment:
very nice..
i like the realizations..
staring at the ceiling now..
thinking..
paano ba ako nagbigay sa buhay?
at paano din ba ako tumaggap?
did i give too much or too less?
bigsigh..
Post a Comment