sa mga panahong ito

may mga panahong ganito...

nawawalan ako ng ganang magtrabaho.
parang gusto kong umalis pansamantala.
gusto kong lumayo at magpakasaya na walang iniisip na problema.

gustong-gusto kong makatulong.
pero ang hirap pala kung ang sarili mo at ang pamilya mo,
eh di mo matulungan.

nakakapagod.
nakakainis.
nakakadismaya.

gusto kong maging totoo ang kasiyahang nararamdaman ko.
pero ang hirap kapag sinasampal ka na ng realidad ng buhay.

No comments: