the student-athletes and the girlfriends

sa mga pelikulang napanood ko
madalas, ang girlfriend ng mga lalaking varsity player
eh kung hindi miyembro ng cheerleading group,
pwedeng isa sa mga sikat o magagandang babae sa campus.

pwedeng sa pelikula ang yan.
pwede ring sa totoong buhay.
ewan ko. ang akin lang...
base sa mga nakikita ko kung ano'ng meron sa paligid ko
maswerte ang mga player na 'to sa mga girlfrined nila.
These ladies love these men so much.

hindi madali para sa kanila ang maging girlfriend ng mga varsity player.
hindi sila dapat maging sobrang selosa,
dahil siguradong hindi lang sila ang humahanga sa mga boyfriend nila.
nandyan ang mga babaeng supporters o fans na kinikilig

o sobra kung sumigaw kapag nakakapuntos ang player.
grabeng pag-iintindi at pasensya ang binibigay nila para sa mga boyfriend nila.
nandyan ang praktis, team meetings, extra work, klase, make-up classes,

requirements sa mga subject...at kung anu-ano pa.
hindi ko sinasabing hindi totoo ang mga yan,
pero naiintindihan yan ng mga girlfriend.
they have to.
pero sana lang hindi naaabuso ng mga boyfriend.
laging nandyan ang mga girlfriend kapag may mga laro,
syempre para sumuporta, para magcheer, at para iparamdam sa mga boyfriend nila

na manalo man o matalo, "andito pa rin ako para sa'yo".


para sa mga girlfriend ng mga varsity player:
sana wag kayong magsawang suportahan, intindihin, at
mahalin ang mga boyfriend nyo
hindi man sila perfect pagdating sa time management
pero sinisikap nilang mabigyan kayo ng oras
mahal kayo ng mga 'yon.



 

 

para sa mga boyfriend ng mga babaeng tinutukoy ko:
sana patuloy nyong intindihin din ang mga girlfriend nyo, wag nyong hayaang maubos ang pasensya nila sa inyo, dahil mahal nila kayo. 

respect them.
show them that you are worthy of their trust.
 
i am not a love expert, 'cause i'm really not.
pero alam kong alam nyo kung ano'ng kailangan nyo sa relationship nyo.
baka kasi nakakalimutan nyo,
pinapaalala ko lang.

i hope 2012 had been nice to you couples.
i wish you better relationships this coming 2013.

No comments: