F.S.S.O.

free.single.serving.outgoing.

naisip ko lang yan to describe us.
ate joy of DAVP.
ate thea of CM.
ate trish ng OSA.
si jese ng Guidance.
at ako ng Athletics.
kami ang fsso single ladies.

last thursday, the original thursday group people had a come back sa coffee & co.
ate thea invited ate joy to join us.

kumustahan.
hindi mawawala 'to sa fsso meetings, even sa kanya-kanyang meetings ng fsso. importante na aware ang bawat isa sa disposition ng bawat isa. this helps para aware naman ang bawat isa sa pinagdadaanan o nangyayari sa colleague.


other matters.
after magkumustahan, any topic will do na. kahit ano pwede ng pag-usapan, kahit sino pwede ng intrigahin. kwentuhan tungkol sa buhay-buhay ng bawat isa lalo na pagdating sa lovelife. in short, sharing lang naman. though may mga insight din. hahahaha. syempre, di rin nawala ang pictorial. iba-ibang anggulo, iba-ibang expression, iba-ibang subject. hahahaha

kainan.
at dahil hindi pa kami nagdidinner, syempre dun na kami kumain. almost isang oras lang naman kaming naghintay sa 2 gambasetti na i-order namin. marami na kaming napag-usapan, dumating na din jaycee, pero wala pa din order namin. at dahil nagugutom na kami, nilantakan na namin ang napakasarap na pagkain na nasa harapan namin. syempre, nagdasal muna kami. sa sobrang sarap at anghang ng gamba, naging linya na ata namin ang "kuya, tubig po." nagorder pa si jaycee ng pizzaroti, tikim naman kaming apat ng tig-isang slice. naisipan din ni ate joy at ate trish na mag-order ng cold drink. eh, nainggit naman kami ni ate thea, kaya order din kami. the cookies and cream was soooo gooooooood!


the call.
isang member ng thursday group ang tumawag. si jayco lang naman. lahat naman kami nakausap nya sa phone. we miss you joining us every first thursday jan! di na rin naiwasang bigyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni wan. syempre, natawa na lang ako. lol.


looking forward to more thursdays with you guys.
at sana mas marami pang kasama.
bago, datihan, o kahit sino pa yan,
ang mahalaga naman ay ang sayang pagsasaluhan. ♥


No comments: