Bienvenidos a La Ciudad e Zamboanga!


unang bese kong sumakay ng eroplano.
ang swerte ko nga dahil nasa may bandang bintana ang upuan ko.
kitang-kita ko ang liwanag sa bawat lugar na madaanan.
sa oras na pagitan ng alas otcho at alas nwebe nang kami'y dumating sa Zamboanga.
AdZU and ruta ng sumundo sa'min, 'yon ang magsisilbing quarters namin, bongga 'di ba?
gutom na kami, ikaw ba naman ang madelayed ang flight at ilang oras maghintay sa airport.
nilakad namin simula AdZU hanggang Alejandra's, malayu-layo rin 'yon.
buti na lang unlimited ang rice, sulit ang bayad. epek pa ang ulam.
ala-Lolos ang lugar, may live singers kasi na gustong pahirapan ni jude.
nagrequest ba naman ng mga birit na kanta.
birthday din ni Coach Arnel ng gabing 'yon, hahaha. (Happy birthday Coach!)
may katagalan nga lang ang paghanda nung order namin.
kaya sugod agad sa pagkain.
may nakilala kami from CAR, athletics Director lang naman ng isang eskwelahan dun. ehehehe
lakad ulit papuntang AdZU.
tapos konting pahinga at freshen' up.
sa wakas oras na rin para matulog.

No comments: