for keeps : )


Great things about friends: Share your drinks without fear of germs. They are better at cheering you up than parents do. Just hearing their voices makes you feel better. People whom you can trust your online password. Without them, you'd never dare to attend school activities. Wait with you until your bus comes. And lastly, friendship is less likely to break up than a romance would do.




Magaan sa pakiramdam, hindi ba?

Pero kung iisipin, simpleng bagay lang naman ang nabasa mo.
Mga simpleng bagay na nagiging espesyal dahil sa tinatawag na...

kaibigan
.




Kahit saan siguro napag-uusapan ang tungkol sa kaibigan.
Kahit saan nakikita...
Nandyan ang featured friends mo sa facebook, plurk, o friendster.
Sinu-sino ba'ng nasa friend list sa cellphone mo?
Kahit ang tanong na "What is a friend?" sa mga autograph 'di na pinatawad.



All my life, I'm a loser... in careers, relationships, lovelifes, but in friendship,
never! I'm blessed because you're there.


Sa isang madugong kurso nagsimula ang pagtatagpo ng landas namin ni greatwind. Simpleng magkaklase lang naman kami. Pero, dahil sa pagkakapasok namin pareho sa lungga, nagsimula ang isang tunay na samahan. May umalis man, nagkaiba-iba man ng kurso, habang tumatagal, lalong tumitibay ang samahang nabuo. Nasktan n'ya man ako noon, ang mahalaga... tunay na magkaibigan pa rin ang turing namin sa isa't-isa...
pagkakaibigang maituturing na biyaya.



I'm grateful because I found a friend who laughs at my bad jokes, goes with my bad plans, flows with my bad moods, knows my bad attitudes, but still see the best in me.


'Di ko lubos akalaing magiging kaibigan ko si cutedevil. 'Di ko nga alam kung pa'no kami naging magkaibigan. Basta ang tanda ko, nakita ko lang siya sa corridor. Ilang taon na kaming magkasama. Ilang taon na rin kaming nag-aaway at nagkakaasaran. Ilang taon na kaming hindi magkasundo sa ibang bagay, pero heto pa rin kami...
patuloy na umuusbong ang pagkakaibigang nagsimula sa isang lungga.



I may not have given what is expected of a friend,
but inside this imperfection lies a heart that values you,
the best way I can.


Para sa'kin, hindi naman kapansin-pansin si unexpectedGuy nang pumasok siya sa lungga. Noon isang co-volunteer lang siya, kaya tamang-tama ang pangalang ibinigay ko sa kanya. Sa isang simpleng kwentuhan nagsimula ang lahat. Nasundan pa ng mga malalim na usapan. Hindi namin namamalayan, lumalalim na rin pala ang aming pagkakaibigan.


There could never be someone who will take the place I have saved for you in my heart, because even if time would bring me someone new,
my heart would refuse to let go of the sweetest friendship I found in you.


Masakit sa'kin ang mga nangyari noon. Kung pwede nga kalimutan ko na silang lahat. Pero kapag naaalala ko si bituingGala, nawawala ang sama ng loob ko. Nagsimula kami bilang seatmates, tapos naging classmates, 'di ko akalaing pati sa pag-uwi kami pa rin ang magkasama. Akala ko simpleng pagkakaibigan lang ang magkakaro'n kami. Nakakatawang isiping magkaiba man kami, may mga pagkakapareho rin naman pala, tulad ng pagkakahilig sa Math, parehong sentimental at madrama, at parehong may peklat sa noo.

Bilang pangwakas...

I will thank you every day of my life
because your friendship is one of my life's greatest gifts.


PS: Bawat isa sa inyo ay may espesyal na puwang sa puso ko.

5 comments:

shexplanation said...

just love the four of you. mwaaah!

shexplanation said...

hindi naman mahalaga kung sino kayo sa blog na 'to, ang mahalaga ay mahal ko kayo.

This blog is for my friends, friends for keeps :)

Ako Si Nikki said...

wow.. naiyak naman ako sa blog na to..

ako din, ill always be thankful for friends..
sa dami ng uncertainties sa buhay, kaya daw God created friends..

hai.. may namimiss tuloy ako..

ps. parang kilala ko sila.. except kay bitwingGALA..

Unknown said...

bakit greatWIND?
mahangin ba sya????

hahahhahah...

@ yellowCAB...
txt ko sayo si bitwingGALA, u want?
XD

shexplanation said...

@ yellowcab: im really thankful din, so much talaga. and siyempre, kasama ka sa mga pinagpapasalamat ko. di nyo kilala si bituingGala.

@ the boss: dont worry, positive ang rason kung bakit greatwind.