Araw-araw na lang kung makareceive ako ng love quote.Minsan tuloy iniisip ko, paraan ba 'to para muli akong maniwala.
Hindi naman sa akin nakatuon ang blog na 'to.
Nais ko lang magbahagi ng mga naranasan ko na tungkol sapagmamahal.
Kapag nagmahal ang tao, parang isang puno lang 'yan.
Nagsimula sa isang maliit na bagay, sa isang maliit na butona akala ay wala lang.
Hanggang sa itanim ang butong itoat tuluyang maging mumunting tanim.
Kapag nagmamahal ang tao,
uusbong ito ng hindi niya namamalayang
lumalalim na ang kanyang nararamdaman.
Habang tumatagal ang mumunting tanim na 'to,
patuloy itong lalaki.
Tulad ng isang tanim,
kailangan itong alagaan upang patuloy na lumago.
Hanggang sa ang tanim na ito
ay tuluyang maging isang ganap na puno.
Isang pagmamahal na sinubok na ng panahon.
Kung titingnan,
napakahalaga ng isang puno sa paligid.
At tulad ng pagmamahal,
napakahalaga rin nito sa bawat tao.Lumalim na ang ugat ng punong ito,
nagkaroon na rin ng mga bunga.Lumalim na ang pinagsamahan,
nagkaro'n na ng masasayang alaala.Masayang maging isang puno,
maganda ng naidudulot sa kapaligiran,at sa kapwa nilalang.
Kapag nasaktan ka,parang puno rin yan.
Masakit dahil malalim na ang ugat nito.
Na kapag pilit mong tanggalin,mas lalong ramdam ang sakit.
Na kapag pinili mong putulin ang punong ito,masakit man, pero kailangan.
Kailangan upang 'wag ng patuloy pa sa pagusbong.