I dream BIG time!
And, I'm eager this time to make my dreams a reality.
Giving myself until May 2014 in Ateneo de Naga,
I will maximize the remaining months.
Good legacy for Athletics Office.
May maiiwang magandang programa na makakatulong sa maiiwan at papalit. Hindi man ako para sa trabahong ito, sana may maitulong lamang sa atenistang atleta.
Review accounting lessons.
Sana magkaro'n ako ng sapat na oras at budget para maka-take ng refresher's course sa accounting. Kung hindi naman, nandyan naman ang kapatid ko at aming mga libro para muling bumalik ang puso ko sa accounting. Sana maipasa ko rin ang Bookkeeping Exam sa February.
Learn basic programming.
Upperclass na ako nung narealize ko na dapat nagIT o Engineering talaga ako. Kung may enough financial resources lang sana kami noon. Pero ngayon na may oportunidad para matutunan ang basic ng programming, sana makayanan ko. Kung hindi man ako makatake ng 9 units na bridging course ng MIT, andyan naman ang internet at si kuya don para tumulong.
After being in my comfort zone, I hope I could...
Work in Manila.
Isa sa mga kinatatakutan ko. Ang mabuhay dun ay isang malaking pagsubok para sa'kin. Magiging mahirap, ngunit kailangang subukan.
I would always wanted to...
Save.
Nahihirapang mag-ipon ngayon. Ngunit sa darating na mga buwan, sana masimulan. Kahit pakonti-konti. Hindi para sa mga mamahaling luho, ngunit para sa kinabukasang may kabuluhan.
Travel.
Kahit sa Pilipinas kong Mahal lang yan, gora ako! Kahit saan, basta may mapuntahan, may matutunan, at may maranasan.
Write.
Magsulat, upang maibahagi ang nararamdaman, upang maging instrumento ng pagbabago, upang maging inspirasyon sa mga simpleng taong gaya ko.
Marami pang pangarap na gustong maabot at maisakatuparan. Sa ngayon, eto na muna. 'Yan muna. Sapat lang para masabi kong, "It's time for me to give back."
No comments:
Post a Comment