discernment of a silent heart

but it's been a long time.
the day i said goodbye to her, i stopped waiting.
i stopped hoping she'll ever come back.
-bakit naman?
yun lang ang paraan para maituloy ko'ng buhay ko na hindi siya kasama.
(a conversation from the movie miss you like crazy)


minsan, kailangan mong magpaalam sa isang tao dahil alam mong yun lang ang paraan para maipagpatuloy mo ang buhay mo. buhay na hindi man siya kasama, kontento ka na dahil alam mong yun ang tama. kahit na alam mong masasaktan ka at hindi magiging masaya.

pero iba pala talaga kapag wala na siya sa buhay mo, kahit pansamantala lang, hahanap-hanapin mo ang tao.
masakit. nakakalungkot. nakakapanibago.
kaya kahit na alam mong ikaw ang masasaktan sa huli, pinili mo pa ring makasama ang taong mahal mo.
itatago mo na lang ang lahat, para lang makasama siya.




kunwari you live in a perfect world.
kunwari walang nakasakit.
kunwari walang masasaktan.
sino'ng pipiliin mo?


alam mo namang hinding-hindi ka niya pipiliin, dahil sa una pa lang alam mo na kung ano ka sa buhay niya.
kaibigan ka lang niya, kaibigan lang.
mas masakit. hindi ba?
pero ganyan talaga ata kapag nagmamahal ang tao.

i will always love you.
but you will always love him.
(line from the movie miss you like crazy)

akala mo tapos na ang lahat.
akala mo tanggap mo na kung ano ka sa buhay niya,
at kung ano siya sa buhay mo.
pero hindi pa pala.
nandyan pa rin nakatago sa kailaliman ng puso mo.
pilit kang ginugulo at pinahihirapan.



9 comments:

Ako Si Nikki said...

paano kung ang dahilan niya para mag mahal ng iba ay ikaw? (miss you like crazy)

hai simplixiety... maraming maaaring ipagkunwari.. marami din pwedeng isantabi muna.. marami tayong ginagawa para makagawa ng isang desisyon na alam nating tama..

pero bottomline nito, iisa lang naman ang tanging alam ng puso mo.. at sa katotohanang iyon, puso rin ang may hawak ng natatanging sagot..

basta ang alam ko, nag mamahal ako.. iikot ang mundo ko na iyon ang katotohanang alam ng puso ko..

sa kabilang dako, bahala na si Bathala..

ok lang, sabi nga ni Pilosopong komikero, freak naman ako..

hai... di mo naman kasi natuturuan ang puso... toinks.. ang aga, puso agad ang almusal ko..

hugss :)

teka, bakit ba ganito entry mo?

heartbeat* said...

hay...
naalala ko na naman ang ang movie na 'to... ilang ulit ko itong pinanood at ilang ulit rin ako na naghugas ng mata...
indeed true love endures--
pero tama si achi mya...
in loving we choose
in choosing we love

isang mahigpit na yakap sa mga pusong hindi takot magmahal

shexplanation said...

@mayangligaw:
may bagong post nga ako, pero mukhang masakit na katotohanan naman. hehehe

bakit ganito ang entry ko?
sabihin na nating yan lang naman ang nararamdaman ko ngayon.
akala ko tapos na,
akala ko okey na ako,
akala ko tanggap ko na,

pero iba pa rin ang sinasabi ng puso ko,
ang katotohanang siya pa rin pala.


@heartbeats:
hindi takot magmahal? ako ba yun?
hindi ata. nagmamahal ako pero takot ang puso ko dahil alam kong hindi tama.

Ako Si Nikki said...

hindi mo ba tinanong sarili mo kung bakit naiisip mo noon na tapos na? na okey na? na tanggap mo na?

di kaya nagmadali kang masyado para masabi mo ang lahat ng iyon?

pero sabagay, nangyayari naman talaga iyon.. kaya nga may u-turns d ba? kaya nga may stranded hearts.. kaya nga may relapse..

okay lang iyon.. ang mahalaga, alam mo ang nararamaman ng puso mo.. sige lang.. maglalaho din ang sakit.. di man magbago ang pintig ng puso, matututo itong mag mahal ng walang iniisip na kapalit..

sige lang.. hayaan ang puso na maramdaman ang lahat ng ito.. yun naman ang dahilan ung bakit siya ginawa di ba.. :)

hugs..

shexplanation said...

guess nasa u-turn nga ako.
akala ko pa naman, tuloy-tuloy na ang biyahe ko.
yun pala, babalik at babalik pa rin kung saan masaya ang puso ko.
haist, isang buntong hininga para sa ideyang iyon.
okay na sa akin ang ganito.

salamat maya :)

Anonymous said...

xie, relapse ata ang tawag dyan.

shexplanation said...

@anonymous: sorry man. hehehe

Ako Si Nikki said...

whatever it is, its all part of the shit.. hehe... joke lang.. its all part of the process.. the price we pay for choosing to love.. ok lang, wala naman masama dun.. :)

shexplanation said...

hahaha.
part of a shit, i like it.