many were asking, ano daw qualities ng ideal guy ko.
honestly, i don't know what to answer. sometimes kung ano'ng naisip ko, yun na isinasagot ko, though i have these qualities in mind about my ideal guy. may pagkachoosy ako, at alam ko yan.
- i'm not wishing for someone na kasinggwapo ni channing tatum, ok lang kahit hindi gwapo, basta wag namang pangit
- hindi man kasing romantic ng nasa movies, at least he has his own ways to show me how he loves me na may kasamang kilig
- kahit pinipikon o inaaway niya ko, ok lang so long as kaya niya akong suyuin at patawanin
- kaibigan niya ang friends ko, and syempre tropa ko rin ang friends niya
- kilala at tanggap kung ano ako, pati ang pamilya ko
- kayang intindihin ang demands ng trabaho't pag-aaral ko
- kahit hindi kasingtalino ni einstein (hahaha), basta matalino
- ayoko naman ng sobrang yaman, simpleng tao lang ok na
- kayang sakyan mga trip ko (movie, rio, coffee, kain)
- hatid-sundo ako kapag may oras siya
may mga pumapasok pa sa isip ko pero isa lang ang pinakaimportante syempre.
sana siya yung taong mahal ako at mahal ko habang hindi ko nakakalimutang mahalin din ang sarili ko. sana lang din kapag dumating na ang taong 'to,
handa na akong magmahal ng lubos at buo na walang takot na nararamdaman.