1.14.11, 9:17am
kagabi, hindi ko maiwasang tumawa't kiligin sa pelikulang napanood ko.
grabe ang mga banat. hindi ko kinaya. sa isip ko lang parang
ang sarap ma-inlove.
theoretically, oo, masarap ma-inlove.
reality check, ewan ko na lang.
isang buntong hininga...
minsan, kailangan mong manahimik at ipaubaya ang taong mahal mo sa iba kahit na mahal na mahal mo siya.
minsan, kailangan mong pakawalan ang taong mahal mo dahil alam mong hindi na siya masaya sa'yo.
handa kang palayain siya dahil alam mong mas magiging masaya siya.
minsan, kailangan mong iwan ang isang tao
dahil hindi mo na nararamdamang may halaga ka pa sa kanya.
marahil ay mahal ka pa niya, ngunit hindi sapat na alam mo 'yon.
minsan, naawa ka lang sa tao kaya pinili mong mahalin siya
kahit na alam mong kahit kailan ay wala kang maibibigay na pagmamahal sa kanya.
minsan naman, kahit alam mong bawal ay pinili mo pa ring mahalin ang isang tao.
pero sa huli, mas gugustohin mo pang masakatan siya kaysa lumalim ang pag-ibig na bawal.
minsan, sa sobrang espesyal mo sa isang tao, nahuhulog ka na rin sa kanya.
pero masakit nga lang tanggaping hindi sapat ang pagkakakilala mo sa kanya para mahalin siya.
mas gusto mong masaktan na lang siya ngayon, kaysa patuloy mo siyang paniwalaing mahal mo rin siya.
minsan, okay na sana ang lahat. pero, sadyang totoo nga lang na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mamahalin ka ng taong mahal mo tulad ng pagmamahal mo sa kanya.
minsan din, nalilito ka na kung ano talagang nararamdaman mo para sa isang tao,
mahal mo ba siya, namimiss lang, o sadyang alam at ramdam mo lang na mahal ka niya?
minsan nga, hindi mo lubos akalaing mamahalin mo ang isang tao ng sobra-sobra, na handa kang ilihim ang lahat at panatilihin na lamang ang isang pagkakaibigan.
maraming love story sa paligid natin,
iba-iba, kanya-kanya, at natatangi.
ikaw ano'ng kwento mo?