Araw-araw na lang kung makareceive ako ng love quote.Minsan tuloy iniisip ko, paraan ba 'to para muli akong maniwala.
Hindi naman sa akin nakatuon ang blog na 'to.
Nais ko lang magbahagi ng mga naranasan ko na tungkol sapagmamahal.
Kapag nagmahal ang tao, parang isang puno lang 'yan.
Nagsimula sa isang maliit na bagay, sa isang maliit na butona akala ay wala lang.
Hanggang sa itanim ang butong itoat tuluyang maging mumunting tanim.
Kapag nagmamahal ang tao,
uusbong ito ng hindi niya namamalayang
lumalalim na ang kanyang nararamdaman.
Habang tumatagal ang mumunting tanim na 'to,
patuloy itong lalaki.
Tulad ng isang tanim,
kailangan itong alagaan upang patuloy na lumago.
Hanggang sa ang tanim na ito
ay tuluyang maging isang ganap na puno.
Isang pagmamahal na sinubok na ng panahon.
Kung titingnan,
napakahalaga ng isang puno sa paligid.
At tulad ng pagmamahal,
napakahalaga rin nito sa bawat tao.Lumalim na ang ugat ng punong ito,
nagkaroon na rin ng mga bunga.Lumalim na ang pinagsamahan,
nagkaro'n na ng masasayang alaala.Masayang maging isang puno,
maganda ng naidudulot sa kapaligiran,at sa kapwa nilalang.
Kapag nasaktan ka,parang puno rin yan.
Masakit dahil malalim na ang ugat nito.
Na kapag pilit mong tanggalin,mas lalong ramdam ang sakit.
Na kapag pinili mong putulin ang punong ito,masakit man, pero kailangan.
Kailangan upang 'wag ng patuloy pa sa pagusbong.
2 comments:
alam mo bang kung ano ang ibig sabihin ng salitang MAHALAGA?
ito daw ang pinag halong 2 salita.. ang MAHAL at ang ALAGA..
kaya ganun, kapag nag mahal, ang pag aalaga becomes a main ingredient..
at tama ka rin, habang lumalaki, at lumalalim, mas nagiging mahalaga ang itinamin..
sa taong nag tanim, hindi niya namamalayan na habang lumalaki ang tanim, at lumalalim ang ugat, kasabay nito ang pag usbong din ng maaaring kahinaan niya.. yung tanim becomes vulnerable..
pero hindi nya yun nakikita, kasi nga nagmamahal siya..
hindi yun mahalaga, kasi nga lalo siyang nag mamahal..
lalim. the best ka talga ate.
:)
Post a Comment