target locked!

I dream BIG time!
And, I'm eager this time to make my dreams a reality.

Giving myself until May 2014 in Ateneo de Naga,
I will maximize the remaining months.

Good legacy for Athletics Office.
May maiiwang magandang programa na makakatulong sa maiiwan at papalit. Hindi man ako para sa trabahong ito, sana may maitulong lamang sa atenistang atleta.

Review accounting lessons.
Sana magkaro'n ako ng sapat na oras at budget para maka-take ng refresher's course sa accounting. Kung hindi naman, nandyan naman ang kapatid ko at aming mga libro para muling bumalik ang puso ko sa accounting. Sana maipasa ko rin ang Bookkeeping Exam sa February.
 
Learn basic programming.
Upperclass na ako nung narealize ko na dapat nagIT o Engineering talaga ako. Kung may enough financial resources lang sana kami noon. Pero ngayon na may oportunidad para matutunan ang basic ng programming, sana makayanan ko. Kung hindi man ako makatake ng 9 units na bridging course ng MIT, andyan naman ang internet at si kuya don para tumulong.

After being in my comfort zone, I hope I could...

Work in Manila.
Isa sa mga kinatatakutan ko. Ang mabuhay dun ay isang malaking pagsubok para sa'kin. Magiging mahirap, ngunit kailangang subukan.

I would always wanted to...

Save.
Nahihirapang mag-ipon ngayon. Ngunit sa darating na mga buwan, sana masimulan. Kahit pakonti-konti. Hindi para sa mga mamahaling luho, ngunit para sa kinabukasang may kabuluhan.

Travel.
Kahit sa Pilipinas kong Mahal lang yan, gora ako! Kahit saan, basta may mapuntahan, may matutunan, at may maranasan.

Write.
Magsulat, upang maibahagi ang nararamdaman, upang maging instrumento ng pagbabago, upang maging inspirasyon sa mga simpleng taong gaya ko.

Marami pang pangarap na gustong maabot at maisakatuparan. Sa ngayon, eto na muna. 'Yan muna. Sapat lang para masabi kong, "It's time for me to give back."
 

grow old with you

Nagaaway. Nagaasaran.

Nagpipikunan. Nagiinsultohan.

Deadmahan kapag busy.

May kanya-kanyang lakad at trabaho.

Hindi mapagkakamalang magkarelasyon.

Akala ng karamihan, wala lang.

That's how complicated and extraordinary we are. 

But what makes this relationship special?

Hmmm... I guess we both know the answer to this.

Many are wondering. Some can't believe.
Others are uncertain.
But one thing is for sure, we connect.
 












I love you ba ~.~

kumakatok muli

May mga bagay-bagay na iniisip kong sana dumating sa darating na panahon.
Pero heto "siya" ngayon sa harap ko, abot kamay, at napaaga ang dating.

Hahayaan ko bang makawala muli ito sa pangalawa o pangatlong pagkakataon?
Eto na ba ang signos?
Kaya ko naman eh.
Sana lang maintindihan nila.

Help me Bro.

oneBIRTHDAYgreeting

Hi Myangligaw! oooppppsss.... ligaw pa ba? hehehe

Hi oneLOVELYsoul :)

found some old pictures in the laptop i used,
just my way of saying...

HAPPY BIRTHDAY ATE NIKKI!

big bang theory

sinubukang maging matapang...
one sweet part of loving is to admit
that you have fallen in love with someone
you didn't expect to love from the very start. 

lahat ng bagay ay may dahilan... 
if something is bound to happen,
it will happen at the right time
with the right person and for the best reason.

lahat tayo may kanya-kanyang kwento,
kanya-kanyang proseso,
kanya-kanyang pinagdadaanan,
at kanya-kanyang dahilan.
normal naman yan kasi tao tayo.

sige lang,
ok pa naman.
sige lang,
kaya pa naman.

hindi natin alam kung ano'ng pwedeng mangyari
habang lumilipas ang panahon.
pero darating ang araw na kailangang magdesisyon,
desisyong ikabubuti ng lahat.
pwedeng makasakit, pwede namang ikasaya.
hindi natin alam.

ano man ang mangyari,
isang bagay ang sigurado -
may natutunan tayo.


minsan kailangang sumubok, sumugal, at magtiwala,
para matuto't maging buo.
pag-isipan dahil kailangan,
ngunit pakinggan kung ano'ng nararamdaman.
magdasal dahil siguradong 'di naman Niya pababayaan.


ito ay kwento ng bawat taong nagmahal, nagmamahal, at magmamahal.

tumaya't tumalubo

isang desisyon ang kailangang panindigan
hindi lang para sa mga taong mahalaga sa'yo,
kun'di para na rin sa sarili mo.

desisyong maaaring dalhin ka kung saan ka sasaya, mas matututo,
at tatayo sa sarili mong mga paa;
o maaaring iparamdam sa'yo kung sa'n ka mas nararapat.

may mga bagay na kailangang gawin
dahil ito ang nararapat,
dahil ito ang makakatulong,
at dahil ito ang tanging paraan.

isang desisyong siguradong babago sa maraming plano.
isang desisyong kailangang paghandaan.
isang desisyong sana maintindihan ng karamihan.

masaya sa kung nasaan man ngayon,
ngunit kailangang lumisan.

maraming rason upang manatili,
ngunit mas matimbang ang dahilan para lumisan.

minsan kailangang tumaya para matuto,
at para masabi mong...
"at least sinubukan ko."