#nowplaying

NOT A BAD THING
Before, hindi ko alam kung pa'no ko ii-interpret ang kanta. But this afternoon, I realized, it's as if you're singing it for me, with the idea of me doubting someone like you could appreciate someone like me. Chos! Hahaha Assuming it that way made me say, pwede naman pala yun wini-wish kong "I deserve better."


KAKAIBABE
Kung pwede ko lang itranslate yung kanta para bumagay sayo. Remember my status na, "Pag natagpuan, 'Wag pakawalan..." I don't want to lose you. Kahit maraming fears at the back of my mind, my heart always tell me, to give us a try. Malay natin, maging totoo nga yung 8th as infinity. Kanta mo rin ba yan sa'kin? Am I a kakaibabe? Hahaha Feelingera lang ang ambisyosang froglet mo hahaha


LOVING YOU
Parang nakakalungkot ang kanta based sa lyrics and sa official music video. But I will only focus sa chorus.
Loving you,
every moment, every day of my life,
you know I'll be loving you
Loving you,
cause the way that we feel is so right,
you know I'll be loving you...


written 082414 #shesdatingaphotog

hashtag struggle

Yes. I'm in great struggle.

I sometimes forget about this.
But most of the time, it gives me more pain.

I'm tired. I'm getting worse.
I know I'm not for this anymore.

I want to leave, and go somewhere.
I want to forget, escape perhaps.
And, wish not to go back.

I badly need time to be alone,
to rest, and to discern.



Cheers to 2014!

Happy New Year everyone, especially to those who are part of my 2013 journey. Hope to have another wonderful year with you this 2014.

Sa lungga, you'll always be my family.


















Sa single-and-slash-or-taken ladies, you know I love you girls!


















Sa Athletics Office na nagpasaya sa akin ng mahigit dalawang taon.
















Sa mga taong mahalaga sa akin, at ipinaramdam sa akin kung gaano kasarap mabuhay,


kay ate Rinah at Kuya Don















kay Kuya Ruffy at Jaycee












and, kay Ate Co at Coach Jec













thank you po sa lahat-lahat na ginawa nyo for me,
kahit pasaway ako, matigas ang ulo, at mahirap maintindihan. hehe
Forever po akong magiging thankful sa inyo :)

Kay Felix na sakit sa ulo noon hanggang ngayon, thank you for our 2013 memories. More to share. Sabi mo nga, "looking forward to a better us in 2014 and forever."




Sa pamilya ko, kahit di nyo ako maramdaman, alam ni Papu na mahal ko kayo kahit may pagkapasaway ako hehe

Little by little, our dreams will come true. Kaya ta yan!

Bro, Papa, and Mama, I love you so much! You'll always be the best!

















Have a blessed 2014 everyone!

ika-3 ng Disyembre

Parang 'yang nasa litrato...

maaaring lantang bulaklak, maaari ring ang namumukadkad tangi.

Ano nga ba ang mas makakabuti?

Kailangan na bang tuluyang bumitaw sa isa't-isa? At tahakin ang kanya-kanyang landas bilang magkaibigan o magkakilala.

O hayaang hilomin ng panahon ang mga puso? At bigyan ang bawat isa ng panahong maging buo at maging handang muli.

Ang ating kwento...

siya sa umaga

It was November 1 morning...

... when I woke up early but chose to stay in bed 'cause he's just about to sleep. When he lie down and fallen asleep already, I stared at his face (That was the time I took a photo of him. By the way, he was not snoring that time, wondering if he's really asleep hahahaha).

I asked myself,
"Siya na ba talaga gusto kong makasama for the rest of my life?",
"Hindi ba ko magsasawang siya ang makkita ko sa bawat paggising sa umaga?".

For these questions, I thought of kuya don's term, partner in life.

Then I slept again.



minsan sa buhay ng tao

May mga desisyong kailangang panindigan,
hindi dahil sa hindi na masaya,
hindi dahil sa napapagod na,
ngunit kailangan na.

May mga magiging desisiyong kailangang magtaya,
hindi dahil sa hindi na mahalaga,
hindi dahil sa wala nang nadarama,
ngunit kailangan na.

Minsan sa buhay ng tao,
kahit ga'no tayo kasaya o kalungkot
sa kung saan man tayo ngayon,
may mga desisyong kailangang gawin
dahil sa kailangan, ito ang dapat,
panahon na para isipin naman muna ang sarili,
at dahil dito mas mabubuo ang pagkatao.

target locked!

I dream BIG time!
And, I'm eager this time to make my dreams a reality.

Giving myself until May 2014 in Ateneo de Naga,
I will maximize the remaining months.

Good legacy for Athletics Office.
May maiiwang magandang programa na makakatulong sa maiiwan at papalit. Hindi man ako para sa trabahong ito, sana may maitulong lamang sa atenistang atleta.

Review accounting lessons.
Sana magkaro'n ako ng sapat na oras at budget para maka-take ng refresher's course sa accounting. Kung hindi naman, nandyan naman ang kapatid ko at aming mga libro para muling bumalik ang puso ko sa accounting. Sana maipasa ko rin ang Bookkeeping Exam sa February.
 
Learn basic programming.
Upperclass na ako nung narealize ko na dapat nagIT o Engineering talaga ako. Kung may enough financial resources lang sana kami noon. Pero ngayon na may oportunidad para matutunan ang basic ng programming, sana makayanan ko. Kung hindi man ako makatake ng 9 units na bridging course ng MIT, andyan naman ang internet at si kuya don para tumulong.

After being in my comfort zone, I hope I could...

Work in Manila.
Isa sa mga kinatatakutan ko. Ang mabuhay dun ay isang malaking pagsubok para sa'kin. Magiging mahirap, ngunit kailangang subukan.

I would always wanted to...

Save.
Nahihirapang mag-ipon ngayon. Ngunit sa darating na mga buwan, sana masimulan. Kahit pakonti-konti. Hindi para sa mga mamahaling luho, ngunit para sa kinabukasang may kabuluhan.

Travel.
Kahit sa Pilipinas kong Mahal lang yan, gora ako! Kahit saan, basta may mapuntahan, may matutunan, at may maranasan.

Write.
Magsulat, upang maibahagi ang nararamdaman, upang maging instrumento ng pagbabago, upang maging inspirasyon sa mga simpleng taong gaya ko.

Marami pang pangarap na gustong maabot at maisakatuparan. Sa ngayon, eto na muna. 'Yan muna. Sapat lang para masabi kong, "It's time for me to give back."